Sunday, December 26, 2010

Melan Cali: Ang Mga Bra at Panti Sa Aking Alaala

Perhaps I know best why it is man alone who laughs; he alone suffers so deeply that he had to invent laughter."

— Friedrich Nietzsche





KAHAPON, sa bahay namomroblema ako kung maliligo ba ko o hindi. Nagdadalawang isip ako. Hindi naman ako aalis. Wala akong pupuntahan. Hindi rin naman ako papasok. Isang linggong sarado ang eskwelahan. Hindi rin naman kasi ako nagdumi. Ang ibig kong sabihin e hindi naman ako lumabas ng bahay (hindi nagtae!). Buong maghapon lang akong tumanga sa kwarto habang kinakausap ang dingding at kisame. Salamat naman at hindi sila sumagot. Iba nang usapan yun.



Parang tinatamad kasi ako maligo kahapon na hindi ko malaman. Iniisip ko, parang matter of habbit na lang kaya yun. Na kahit hindi ka naman nagdumi kailangan mo pa ring maglinis. Liligo ka kahit hindi ka naman mabaho. May pagka-unreasonable nang konti. Konti lang naman. Hindi naman sa nag aala-artist ako kahapon o ano pero ayoko talagang maligo.

Pero dahil makulit ka, naligo pa rin ako. Alam kong mang-aasar ka kapag sinabi ko ditong hindi ako naligo kahapon. Bugoy! Wag kang makulit! Iba talaga ang gusto kong i-kwento dito. Tungkol yun sa mga bra at panty.



*****



E di ganon na nga, mga 5:00 ng hapon yun, nang magdesisyon akong maligo. Lumabas ako sa kwarto ko para kunin yung tuwalya kong butas butas at gula-gulanit na manipis. Ipinang-tatapis ko pa sa katawan yun tapos maligo (kahit labas ang pisngi ng pwet). Nakasampay lang yun sa may gabay ng hagdanan. Pag kuha ko nung twalya mapapa-dungaw ako sa may katabing bintana ko sa kaliwa. Mapapa-tingin ako sa labas. Lilinga linga ako sa kaliwa’t kanan.



Napatingala ako. Nakita ko, nakasampay yung mga panti’t bra ng kapitbahay kong bago sa bintana nila. Naglaba ata yung mga boarder na magaganda. Tumutulo tulo pa e. Nakahilera yung mga isinampay nilang panti’t bra sa may grills tapos nakabandera yun ng buong giliw na parang watawat ng United Nations. Iba iba pa nga yung kulay. Sa may orange na hanger andun yung kulay violet at blue na inuuga-uga pa ng malakas na hangin. Sa may pulang hanger andun yung kulay pink at white na lalambi-lambitin, tapos meron pang dalawang hanger na di ko alam ang kulay kasi color blind ako. Nakasabit dun yung iba pang mga panti at bra na tumutulo tulo pa dahil di ata gaanong napiga. Nakalaylay yung strap ng mga nang-aakit na bra. Andami dami nila. Very colorful. Meron pa ngang strife. Nasa may 4th floor yun nung building. Tinitingala ko. Andun yun sa tapat ng room nung mga babae pag nakikita ko minsan nakatambay sila sa terrace.


Para ngang ang gaganda nila e, ang dilim lang kasi kaya di ko gaano makita pag gabi. May mga naglalarong ideya sa isip ko habang tinitignan yung mga panti at bra.



****



Wag kang bastos!



Putragis kasi, pagkakita ko sa mga nakasampay na panty, may maaalala ako bigla. Dati, naglalaba din ako ng mga ganun. Ganun na ganun. Kung kanino man yun bahala ka na dun. Ngayon, naisip ko, naisip ko lang naman, ang sarap siguro isulat nito bilang isang material. Writer kasi ang drama ko ngayon sa buhay.



Binibiro ko yung sarili ko. “Isulat mo na, sayang.” Mga alaala yun e. Nire-refresh mo. Para sa akin ang gandang material nun sa pagsusulat. Yung mga alaala na minsan nakakatawa. Yung para kang tanga na tumatawa mag isa pag naalala mo yung nakaraan. Pero ang ayaw mo dun, pagkatapos mong tumawa babalik ka sa realidad, sa pagiging malungkot. Malalaman mo na nag i-ilusyon ka lang pala. Isang taon na rin pala yung lumipas. Ang bilis bilis lang. Kay dami ng mga nangyari. Kay dami na ring mga nagbago. Naalala ko dati, masiglang masigla pa akong maglaba ng mga panti at bra. Noong naalala ko yun, ang unang pumasok sa isip ko tumula. Oo, gusto kong itula (hindi i-tuga) yung mga mga masasayang araw ko dati sa paglalaba ng mga makukulay na bra at panty. Medyo komedi pero yun yun e. Noong nasa banyo na ko habang tumatae sa inidoro may mga naglalaro nang salita sa isip ko para sa gagawin kong tula. Nagsisimula na akong mag-conceptualize. Nagpipiga ako ng utak habang nagpipiga ako ng tumbong. Para akong nagdadasal na ewan habang nakatungo ako sa inidoro. Ganito sana yung una kong linya



“nakaka-isang taon na rin pala ang putang ina,

naalala ko pa rin ang kanyang mga panti at bra”.




Alam mo yung isang tulang dramatic pero erotic? Parang ganun sana yung gusto kong gawin. Kung pwede pa ngang haluan ng komedya bakit hindi? Tulang dramatic na erotic na comedic. Pwede yun di ba? Pero gaya ng inaasahan, hindi ko kinayang dugtungan yung mga susunod na linya. Parang sumama yun sa tae kong ipin-lush sa postmodern naming inidorong naka-tabingi . Nakalimutan ko lahat bigla pag tayo ko sa trono. Dapat pala isinulat ko agad habang tumatae.



****



Kaya ito ko ngayon, ikinwento ko na lang yung gusto sanang kong itula. Yun na nga, gaya ng binanggit ko kanina, dati masiglang masigla ako maglaba ng mga panty at bra. Yung para bang “kahit ilan pa yan mahal ko! Basta panty mo, sagot ko! Itambak mo lang dyan, kahit pa may ano yan, gademmit!” kahit mabagsakan pa ako ng malaking bote ng Colt 45 ok lang. Sabihin na nilang under ako’t DTNL ok lang. O.A, pero parang ganun nga yung feeling (dati). Walang lang. Parang nakakamis kasi. Ganun pala yun, pag matagal mo ng hindi nagagawa yung mga dati mong ginagawa hinahanap hanap mo din. Yung isang bagay nalalaman mo yung tunay niyang halaga kapag nawala na siya sayo. Tama nga ang kasabihan. Nagkaroon kasi ng problema dati. Mula sa pagiging ganadong ganado sa paglalaba e pagtagal tagal dumating ako sa punto ng pananawa. Oo, para kasing hindi na naging exciting noong bandang huli. Paulit ulit na e. Yung alam mo na, na ganun na naman. Predictable. Dumating pa nga yung punto na may pagtatalo ng nagaganap tungkol sa kung sino na ang dapat maglaba. Kasalanan ko naman siguro, pero hayaan na yun. Ang mahalaga e may realization. Wag ka nang maghanap ng tsismis diyan.



Yung isang bagay, sabi nung ilang psychoanalyst, kapag naging pag aari mo na, sa kalauna’y hindi na nagiging exciting. Hahanap ka na naman ng bago. Tapos ganun uli. (hindi ko sinasabing naging akin na eventually yung mga bra at panty ha! Wag kang tanga!) Ganun siguro yung nangyari. Dapat pala sakto lang. Sumobra kasi siguro. Dapat pala meron pa ring degree ng distance at secrecy kahit paano sa relasyon. Tamang closeness, tamang secrecy. Kaya kahit close kayo sa isa’t isa, open pa rin. Teke teka.. tama ba? Ang layo na nito sa mga panti at bra na namimis ko. Iba na sinasabi ko. Magulo na naman. Cut.



Next.



****



At ayun na nga. Kasamang babalik sa aking gunita ang katotohanang nakakita na ng bagong labandero ang dati kong ipinaglalaba. Yung mas masipag, mas masigla, mas matikas at mas masigasig maglaba kesa sa akin. Ipinagmamalaki niya pa yun. Putang inang yan. Isang taon na din mula ng maging bullshit ang dapat maging bullshit. May nag o-occupy na ng dati kong lugar sa kanyang labahan. Nakakalungkot. Aray. Gusto ko tuloy itanong kung kamusta na kaya siya? Ok pa kaya ang mga ipinapalaba niyang mga panti at bra? Ano kayang sabon ang ginagamit ng bago niyang labandero, Mr. Clean? Wag yun, pangit yun. Kalbo yun, ayaw ko sa mga skinhead. Mahaba ang buhok ko. Nakakasira ng labada ang brand na ang disenyo’y may kalbong mukhang maton. Lalo na sa mga panti at bra. Mahilig din mag-pokpok. At ako? Ito ko ngayon, nalulumbay at nagsosolo. Nagsosolo maglaba ng mga brief ko tuwing linggo. Nakakapanlumo lang tuwing naaalala ko. Wala ng panti. Wala ng mga bra.


Bakit ko pa kasi nakita yung mga isinampay ng kapitbahay? Naalala ko lang tuloy.. dapat hindi na lang ako naligo… dapat ipinagpatuloy ko na lang kausapin yung ding ding namin… dapat hindi na lang ako tumayo sa kama… dapat natulog na lang ako magdamag… dapat hindi na lang naglaba yung kapitbahay… dapat di na lang niya iyon isinampay sa tapat namin… putragis na yan.. para tuloy akong minulto..





Kung pwede lang uli maglaba ng mga panti at bra kahit minsan pa.. hayop ka..



Kahit pa minsan may kasama yung regla.. ipaglalaba pa rin kita…



Shit!

Sunday, September 19, 2010

Isang Tsismis sa Klasrum

PROBLEMA ko parati kung paano ba papasok ng 7:30am sa Filipino tuwing Tuesday. Lagi akong late. Tamad kasi akong gumising. Yung para bang ayokong bumangon sa kama. Paano’y nag i-inom ako sa gabi. Kaya dapat mahaba ang tulog, hindi bitin. Yung alarm clock ng cellphone, hindi naman epektib. Para lang pambuwisit sa umaga. Pinapatay ko rin. Para kong tanga. Mabuti na lang at mabait ang titser namin sa Filipino. Kahit lagi akong huli sa klase, hindi niya ako pinupuna. Ni hindi niya rin ako kinagagalitan. Basta pag dating sa klasrum, dire-diretso lang ako sa upuan ko. Para akong pusa sa cartoons ng looney tunes, slomo ang lakad. Naka-ngisi pa, labas ipin. Anyway, tuloy tuloy lang din naman si Ma’am sa pagkikinig dun sa nagre-report. Hindi na nga ko nag gu-“goodmorning, sorry ma’am I’m late”, kasi ayoko mang-interrupt. Magiging agaw eksena pa ko. Gawain lang yun ng mga gustong maging bida. Baka dun pa ko mapuna’t mapagalitan ni Ma’am.



Siya si Mrs. Sanchez, lagi siyang on time kung pumasok. Hindi siya nale-late. Lagi siyang present. At kung hindi ako nagkakamali, wala pa siya ni isang absent. Palagi siyang bihis na bihis. Kamukha niya yung titser sa pelikulang Skul Bukol nila Tito, Vic and Joey, si Ms. Tapia. Mabuti nga’t hindi niya pa ko idina-drop. Ang bait ko kasi tignan. Mukhang hindi harmful at inosente. He he. Hindi na ata nag a-attendace si ma’am. Di ko lang alam. Mga nasa 58 yrs old na si Mrs. Sanchez. Ibigsabihi’y malapit na siyang maging miyembro ng mga senior citizen. Lamang ay malakas pa si ma’am. Marami rami na rin ang puti niyang buhok na halata ng kinukulayan niya paminsan minsan ng tina. Bagaman masipag pumasok, hindi siya ganun kahusay magturo. Boaring. Mahilig siya kasi sa reporting gaya nung iba pa naming titser. Sikat si ma’am sa skwela dahil dun. Kung minsan iniisip ko, istilo na ng katamaran nila ma’am ang mag pa-report lagi kapag gusto nila ipagawa sa mga kaklase ko ang trabaho nilang magturo. Tingin ko nga, siguro.



Kung minsan din, talaga namang nakakatakot si ma’am kapag sinusumpong. Nagagalit kasi si ma’am pag sobrang ingay namin, yung para bang nababastos na talaga siya. Para siyang monster na kontrabida sa isang pelikulang horror. Bigla na lang magagalit. Ang lakas ng boses. Ang pangit sumimangot. Lumalaki butas ng ilong niya. Alam mo yung borga? Ganun na ganun. Lumalabas din ang litid niya sa leeg. Tapos lahat kami inaaway. Pinaka ayaw niya kasi yung maingay, madali siyang mapikon kapag nakakarinig ng ingay. Nasisiraan si ma’am ng bait. Lalo na kapag siya na ang nagsasalita, ayaw niya ng may kasabay. Noong minsan nga’y pinalabas niya yung isang kaklase kong bading nung mahuli niya si ulul na nagdadaldal at di nakikinig. Ako ma’y nabubwisit sa kulit ng kabayong yun sa umaga. Hindi ko gusto. Sabat ng sabat sa mga sinasabi ni ma’am habang nagtuturo. Yung may masabi lang para mapansin o maging bida kaya. Hindi naman sa sexist o homophobic ako, pero minsan gusto ko na talagang tapalan yung malaki niyang bunganga na pwedeng ipang-blowjob sa patola. Kung pasista lang ako, sinungalngal ko na yung bunganga ng animal na yun. Naalala ko, nung minsang tinopak si ma’am, binulyawan niya talaga si bading tsaka pinalabas. Kumabaga sa basketbol na –thrown out si ulul. Sabi ni ma’am kay bading: “Labas!” Natakot talaga kami. Akala namin kami na yung isusunod. Damay kami sa kalokohan ni bakla. Tumahimik lahat. Nung sumunod na miting namin bumait na ang animal.



Ewan ko. Hindi ko alam kung makapal lang talaga ang mukha ko o matigas lang ang ulo. Pwede rin namang pareho siguro. Ang tiyak ay nagtitimpi lang si ma’am sakin. Wala pa kasing araw na pumasok ako sa kanya ng hindi late. Ang klase namin sa kanya’y mula 7:30 hanggang 10:30 ng umaga. Lagi ako huli ng 30 minutes hanggang isang oras. Normal na sakin yun. Bukod tangi akong ganun. Paano nga kasi’y may hang-over ako. Itsurahin mo, darating ako sa klase mukhang lasing, bagong ligo, basa basa pa ang buhok tsaka pu-pungas pungas, halatang bagong gising. Tapos pagpasok ko, ang una ko pang hahanapin lagi ay yung ugok na sila Marvin at Ruben. Yung mga lagi kong kakulitan. Mga lagi kong katabi. Kung saan sila naka-upo, dun din ako pe-puwesto. Naka-ngisi pa ko pag pasok. Ang totoo’y tahimik lang ako sa klase. Mukha akong maamo. Pero pag magkaka-tabi na kami, mambwi-bwisit kami ng iba naming kaklase. Pag upo ko, maya maya lang mag-bubungisngisan na kami. Si Marvin, madalas ko mahalata na ang hilig hilig tumabi sa magaganda naming kaklase. Kahit sa ibang subject. Halatang halata ko talaga si ulul. Sumisimple.



Noong nakaraan, katabi niya yung isang maganda sa amin, nung sumunod naman, katabi niya yung malaki ang suso, ngayon naman katabi niya yung hipon. Ang dami sigurong pinag-jajakulan nitong babae gabi gabi. Sa isip isip ko’y “putang ina ka Marvin, kaya pala ang aga aga mo lagi pumasok, sumi-simple ka tumabi sa mga kaklase natin” Makikita ko na lang talaga si ulul na dumidiskarte sa mga kaklase naming kanasa-nasa. Ganito ang gagawin niya. Kunwari meron siyang di narinig sa sinabi ni ma’am tapos magtatanong siya ngayon sa katabi niyang maganda. Ididikit niya yung mukha niya sa kaklase naming dinidiskartihan niya, kunwari hindi niya rin naririnig yung sinasabi nung maganda kapag nagsasalita. Sabay titingin sa mata nung maganda, magpapa-cute. Ngingiti. Simpleng titingin sa dibdib ng kaklase namin. Sabay susulyap samin ni Ruben para magpasikat. Putang ina ka talaga Marvin. Matatawa naman kami kay ulul. Akala ko malabo ang mata ng kumag kasi nakasalamin, yun pala matalas ang paningin ng puta. Mahilig ata sa kalabasa animal. Kunwari’y tatahi-tahimik si kupal, pero nasa loob naman pala ang kahayupan ng ugok. Hindi ko kayang gawin yung ginagawa ni Marvin. Ang manyak ng puta.



Torpe kasi ako. Tahimik nga lang ako sa klase, hindi ako masyado nagsasalita. Hindi ako marunong mag-express ng sarili. Kaya nga pag may type ako, hindi ako marunong ng tamang approach. Hindi ko alam kung bakit. Basta minsan feeling ko masyado akong mabilis. Minsan naman, tingin ko sobrang bagal ko. Paano ba ang tama diskarte? Ewan. Natatakot kasi ako’t baka ako mapahiya. Walang pa namang tao ang may gustong mapahiya sa kanilang mga crush. Pwera lang siguro ang kumag na si Marvin. Makapal talaga ang apog nun. Wala yung pakialam sa sasabihin ng iba. Basta ako, du-dukwang na lang ako paminsan minsan para makita yung mukha nung kaklase naming chicks pag gusto ko tignan. Sapat na muna sakin yun. Ligaw tingin. Sisimple ako. Pag nakita nung babae na tumitingin ako sa kanya, para akong intsik, ibinabaling ko bigla ang tingin sa iba. Magkaka-tinginan kasi kami sa mata. Mahuhuli niya ko na tinitignan ko siya. Mahihiya na ko tuloy. Baka isipin niya may gusto talaga ako sa kanya. Hindi pa naman marunong magsinungaling ang mga tingin. Tang ina kasi, bakit ba ganun.



Kapag sawa na si Marvin magpa-pansin sa mina-manyak niya, dine-demonyo ko na lang si tanga. Marami rin siya kasing napapansing kapalpakan sa mga titser namin kapag nagtuturo. Observant din si kumag. Naririyan yung napapansin niyang mukhang hindi na nag-aaral ng mga bagong ituturo yung titser namin na si Mrs. Sanchez. Panay nga daw kasi ang pa-report. Unang araw pa lang ng miting namin reporting na agad ang pinag-uusapan. Parang pumapasok lang daw si ma’am pero tinatamad magturo. Pasingit singit nga lang ng onti sa nagsasalita naming kaklase para hindi naman mahalatang tamad talaga siya. Lagi pa daw naka-upo, parang nagpapalapad daw ng pwet. Puro lang din daw kwento madalas na wala namang kinalalaman sa pinag-uusapan. Nadidismaya si Marvin sa mga titser namin na ganun. Alam kong matalino si ugok at hindi niya inaasahang ganun ang mga titser na makakaharap niya. Consistent honor student si Marvin nung high school.



Minsan, nahuli namin si ma’am na tutulog-tulog sa klase habang may nagre-report. Mukhang puyat. Papikit pikit na yung mata nung matanda. Halatang antok pa. Tapos naka-nganga na talaga. Babagsak bagsak na rin yung ulo. Eh nasa likod niya ko, ang animal na si Marvin, kinalabit ko, tsaka ko bumulong



“ tol . . . tignan mo si ma’am … bigyan mo na nga ng unan yan. . nahihirapang matulog eh.. nakakahiya naman, gusto na magpahinga. . samahan mo na rin ng folding bed. Pahigain mo na . . putragis na yan, binabayaran ng skwela, natutulog? Tutulog ka na lang binabayaran ka pa. P300 per hour pa! tangina this!”



Tawa ng tawa si gago sakin. Tapos tsaka ko lalagyan ngayon ng sound effects yung paulit ulit na pagbagsak ng ulo ni ma’am kapag nilalabanan niya yung antok. Ipaparinig ko kay Marvin. “Oooink. . .! Oooink . . ! Ooooink . .! tignan mo tol oh! Oooink! Oooink!” Mamimilipit sa kakatawa si Marvin sakin dahil hindi niya akalain na sa tahimik kong iyon at sa bait ni ma’am sakin magagawa kong maging cartoons si Mrs Sanchez. Ang hindi alam ni Marvin, nagpapatanggal lang din ako ng antok. Maya maya, kapag na-alimpungatan na si ma’am titingin yun sa relo niya. Titignan niya kung time na. Tatanungin din niya sa isa naming kaklase kung “dumaan na ba yung checker?” tsaka ko ngayon bubulungan uli si Marvin



“pare, boundary na ata si ma’am, parang driver lang noh? tapos na biyahe. huling ikot na pre”



Tsaka simpleng bababanat si Marvin ulul at magpaparinig



“boundary na ah!boundary na tol! parang driver lang ah! Alright!”



Ang kumag na si Marvin, biglang yuyuko sa sobrang kahihiyan at kakatawa. Labas pa yung malaking ipin ni tanga, tina-takban niya pa iyon ng kamay niya. Maririnig kasi kami ng iba naming kaklase. Si ma’am naman parang walang naririnig. Hindi niya syempre maiintindihan yung sinasabi naming boundary. Sa isip isip ko’y ang hirap namang sisihin si ma’am. Unang una matanda na siya. Bagamat may konting lakas pa, dapat sa kanya ay nagpapahinga na. Hindi na dapat siya pinagta-trabaho ng ng malaking oras. Balita ko buong araw si ma’am nagtuturo dito kapag lunes. Full load. Nakakapagod talaga yun. Lamang ay mukhang wala namang siyang magawa dahil sa mahirap din ang buhay ngayon. Kailangan niya pa ring kumita kasi wala ng ibang nagtatrabaho sa kanila. Sa klase pa namin siya na-ilagay. Marami sa aming ulul. Mahihirapan si ma’am samin. Ang dami dami din kaya namin sa room? Halos 60 kaming kaharap niya tuwing umaga. Ang gugulo pa nung iba, lalo na yung grupo nila bakla. Hindi madaling humarap sa 60 katao at magturo. Forum na yun sa ibang school. Dito sa skwela normal lang na klase yun. Nai-imagine ko yung galit ni ma’am kapag nag i-ingay kami. Kung ako yun baka naghamon na ko ng suntukan gaya nung titser namin sa P.E dati. Tsaka sa liit daw ng ibinabayad ng eskwelahan sa mga titser dito, talagang mukhang hindi sila gaganahan samin magturo. Iba ang nagtuturo sa nagtatrabaho, itong huli ay pera lang ang hanap sa pagpasok samantalang yung nauna ay may malasakit sa pagkatuto ng nag-aaral kahit walang bayad. Martir.Balita ko maliit daw talaga ang sweldo nila ma’am. Titser din kasi ang nanay ko sa ibang skwela at halata ko nga sa liit ng baon ko ang halaga ng sinasahod nila. Minsan nga, maririnig ko na lang si nanay na namumroblema sa liit ng kanilang sweldo pag nasa bahay kami at kausap niya si tatay.



Anyway, balik tayo sa klasrum. Nung nakaraan, may kaklase kaming sumali sa Mr and Ms. College of Arts. Bakat talaga ang bayag ni tarantado nung rumampa siya sa entablado ng naka trunks. Tawa kami ng tawa kay tanga. Feel na feel na parang siya si Jay Cuenca, boy bakat. Siya Ruben, para yung lumpen. Alam mo yung lumpen? Yun yung mga anti-social. Mga criminal minds. Pero kakaiba ang pagka-lumpen nito pag nasa klase kami. Lumpeng intelektwal na maniac. Tatahi-tahimik din kunwari ang gago, yun pala may ginagawang shit ang puta. Minsan kasi nung pumasok ako ng late (as usual), nanibago ako sa ugali ni ulul. Bigla siyang hindi tumabi samin ni Marvin at umupo sa may bandang kaliwa ng klase. Pa-christmas party kasi ang cheating-arrangement ng mga upuan namin. Yung half circle. Nasa gitna kami ni Marvin at nasa kaliwa nga ang ulul na si Ruben. Itong tatahi-tahimik dati, bigla ngayong naging masigla sa klase. Matalino din si ulul at alam kong mahilig din ‘tong magbasa ng mga libro. Pero kapag walang kwenta ang kausap niya, hindi siya nagsasalita. Simpleng mayabang. Minsan napupuna niya mali mali na daw ang itinuturo samin ng titser namin. Ganun siya katalas. Sa amin lang ni Marvin sinasabi ni Ruben ang himutok niya sa klase. Hindi siya mahilig mag-recite para makipag-debate o makipag-talo.



Yun na nga, bigla ba namang yung araw na yun recite ng recite si Ruben. Nanibago ako. Si Marvin din. Taas siya ng taas ng kamay. Nagpapakita ng gilas. Listong listo. Sagot ng sagot kay ma’am. Pa-intelektwal ang postura ni gago nung araw na yun. Nakikipag-diskurso si gago tungkol sa rules ng gramatika sa Filipino. Patingin-tingin pa siya sa upuan namin ni Marvin habang nagsasalita. Impressed naman yung mga kaklase namin sa kanya. Lalo na yung magaganda. Maya maya pa kinorek niya si ma’am nung nagbibida ito sa bago niyang isinusulat na nobela. Pag-iibigan daw yun ng isang diwata at taga-lupa. At ang itinatawag niya daw dun ay Postmodern. Nagsalubong ng konti ang kilay ni Marvin. Nagtaas siya ng kamay, “Ma’am!?!” sabi niya, “hindi po postmodern yun, pantasya lang po yun. Magulo po ang postmodern, walang harmony.” Natigilan ng konti si ma’am kasi mukhang hindi niya alam ang isasagot sa yabang ni Ruben. Mukhang hindi niya alam ang sinasabi niyang postmodern. Pagkatapos ng klase, nung papa-labas na si ma’am, bigla akong sinenyasan ni ulul para lumapit sa upuan niya. “dali! Dali! Lika tol me ipapakita ko sa’yo! Dalian mo!” naka ngisi pa si ulul na parang demonyong nagre-rekrut ng isa pa. Ako naman ‘tong si tanga lumapit agad sa kanya. Binulungan ako agad ni Ruben



“pare, nakikita mo yung nasa kanan? Ayun, lumingon ka. Kaya ako nandito kanina pa. .”



Paglingon ko, ang putang inang Ruben, kanina pa pala nam-boboso ng subterranean. Buti na lang at mabilis din akong kumilos. Kitang kita ng dalawang malaking mata ko yung mga siwang sa blouse ng kaklase naming maganda mula dito sa kinauupuan namin ni Ruben. Kita bra men! Nabilaukan ako sa mga dede niya men. Tang ‘nang yan, tangina this! Hindi ko alam ang unang gagawin ko, pramis. Magpapanggap ba ko o ano? Putang ina kasi, kapag pinuna ko si Ruben na ang libog libog at tinigilan ko tumingin para mamboso, aakalain ni Ruben Lumpen Intellectual (Psychoanalyst) bakla din ako. Ulul! Kapag itinuloy ko naman ang pamboboso at nahuli ako ng ibang tao, lalo na ng mga konserbatibo, sasabihin nila sexist at manyak ako. Ano ngayon ang gagawin ko? Umuwi? Matulog? Putang ina kasi, ang dami dami niyong nalalamang label. Basta ang alam ko, dede yun. Lalake ako. Tinitigisan! Bahala kayo sa mga label niyo. Kainin niyo para magsawa kayo. Kung pwede niyo ibenta, gawin niyo. Magkaka pera pa kayo. Pumuputok yung blouse ni tangina this sa sobrang laki ng dyoga niya. Grabe ang mga karga niya, gusto ko tulungan. “Shit! Hi hi hi! Grabe, tang ina this pare! This is the real pare.” sabi pa sakin ni Ruben



“putang ina tol, kanina ko pa tinitignan yan . . tangina this pare! Kaya nga ako dito pumwesto eh . . pwestuhan ‘to ng mga tunay na lalake pare. Sabihin na nilang sexist ako at patriarch. he he!”



Ang animal na si Ruben, pina-upo pa ko sa tabi niya para masulit namin yung magandang tanawin na yun sa umaga. Grabe ang ganda talaga niya. Kanasa nasa. Hindi naman dahil sa sex object lang ang tingin namin sa kanya. Di namin kasalanan yun bakit ganun. Lipunan ang may sabi nun. Nakaka-arouse lang talaga siya ng mga libidinal instincts namin. Wala siyang kaalam alam na pwede na kaming mag-bate mamayang gabi dahil sa kanya. Tatandaan na lang namin maiigi yung mukha niya sa aming pornographic memory, tsaka kami magpa-pantasya na kasama siya kunwari sa isang eksena ng malupit na banatang nakanganga ang mga bunganga namin dahil sa sarap. Ang sarap nun habang nag-tetebats. Naninigas na ko dito. Sa isip isip ko, putang ina mo Ruben, salamat naman at hindi ka madamot. Pag palain ka nawa ni Xerex. Tang ina this! Gusto kong kumambyo. Putang ina, siya kasi yung isa sa pinag-papantasyahan ng buong klase namin. Pati yung ilang babae samin dito nati-tibo sa kanya. Object of desire talaga men. Pang-porno ‘to. Sabi nga nung kaklase naming si Maki Gobilam Skater Anarchist sa kanya “di mo malaman kung game o fight”. Di namin alam kung wala siyang kamalay malay sa mga nasasaksihan namin o kasama lang yun sa drama ng kanyang ganda. Basta. Enjoy! Pina-lilibog mo kami.



“Ano tol, ok ba? He he! Tangina this!”



Elib ako kay Ruben, putang inang yan, criminal mind talaga si ulul. Biruin mo pa-recite recite lang kunwari si ulul kanina umi-iskor na pala. Hindi ko alam. Baka mamaya magalit na samin yung mga pemenista pag nalaman nila yung mga ganitong klase ng pagnanasa namin.

Ano pa bang gusto mong i-kwento ko sa’ yo dito sa amin? Wala na siguro. Paganun-ganun lang ang buhay namin tuwing Tuesday. Panay kami mga tarantado. Nahawa na ko sa mga gago. Biruin mo, mga titser ang magulang ko, pero mga demonyo naman ang mga barkada ko. Pero ang ipinagmamalaki namin nila Ruben at Marvin, wala ni isa man sa aming tatlo ang napagalitan ni Mrs Sanchez kahit kailan. Bulok lang talaga ang sistema ng edukasyon dito sa eskwela gaya ng isinisigaw nung mga aktibista ng LFS at Anakbayan. Tama naman sila. Di mo kami masisisi bakit kami ganun sa klase. Ganun pa man, nag-aaral pa rin kami kahit boring sila ma’am. At higit sa lahat, lagi naman naming naitatago ang mga ka-ululan namin sa klase. Criminal minds nga e. Nagiging mali lang naman yung isang bagay kapag nakita ng iba. Sa kaso ng mga katarantaduhan namin, wala pang nahuhuli kahit isa. 3rd year na kami sa isang taon. Wala pang nai ga -guidance samin kahit minsan. Wala pang reklamo. Walang pang state visit na nagagawa sa guidance opis dito ang aking Papa at Mama. Yari ako sa kanila pag nagkataon. Babawasan nila ang aking baon. Si bading lang naman at ang kanyang mga ka-tropa na make-up girls ang laging napapagalitan ni ma’am. Si bading nga na-thrown out pa nung makaraan di ba.

May isang eksena lang talaga akong hindi makalimutan sa klase dati na hanggang ngayon e tawa pa rin ako ng tawa. Para talaga akong tanga. Tumatawa ko minsan mag-isa. Masama ata yun. Tungkol na naman kasi ito kay bading na may bungangang pwedeng bumlow-job ng patola. Minsan nagawa na naman nilang galitin si ma’am. Kung kailan pa naman may ganang magturo si ma’am, tsaka pa nila yun sinabayan ng kabadingan. Si bading at ang tropa niyang make-up girls ang sine-sermonan ni ma’am nung isang umaga. Ang kukulit ng puta. Syempre nadamay na naman ang buong klase sa galit nung matanda. Binalot talaga ng takot yung buong klase namin nung nagsasalita na si ma’am na parang galing sa ilalim ng lupa. Kitang kita ko paano nanginginig yung mga kamay ni ma’am sa sobrang galit. Kinukuyom niya yung kanyang mga kamao. Parang gusto na niyang mag-rebolusyon. Kasama na ata dung inilalabas ni ma’am yung galit niya sa tagal ng pasahod sa kanila ng eskwela. Lumalabas labas na naman yung mga litid ni ma’am sa leeg. Halatang naipon yung galit dahil madalas siyang magtimpi. Pinagagalitan niya yung klase dahil hindi na nga daw kami nag-aaral e nag-iingay pa. Hindi daw kami nakikinig. Mga tanga daw kami. Maka-ilang ulit niya yung sinabi. Nakatingin lang kami lahat sa kanya. Parang any moment sasabog na siya sa galit.

At yun na nga ang sumunod na nangyari. Biglang siyang sumigaw at tsaka niya sinabing



“Mga sosyo, bobo!!!”



Hinampas ni ma’am ng kamay niya yung table ng malakas habang galit na galit na nakasimangot at nanginginig. Pero pagkasabing pagkasabi ni ma’am na kami ay mga bobong motherfuckers, biglang kumalas yung ipin niya sa gilagid, parang naging flying saucer yung pustiso niya sa klase, umikot ikot. Lumipad yun sa ere na parang spaceship ng alien. “floo0000oook!” kasunod nun, nalaglag ang kanyang shit sa sahig matapos yung tumalbog sa mesa na hinampas niya ng pagka lakas lakas. Nalaglag din ang panga ng mga kaklase namin sa nakita, parang hindi sila makapaniwala. Para ding may sariling buhay yung pustiso niya nung malaglag sa sahig. Kikisay kisay. Parang cartoons. Nabigla si ma’am sa sarili niya. Naputol siya pagsasalita. Wala na siyang ipin. Bahagyang tumaas ang kanyang mga kilay at tsaka tumingin samin. Hindi niya alam saan unang ilalagay ang kamay niya. Pero nanlilisk pa rin ang mga mata niya. Patlang. Tahimik ang pa rin barkada. Nagkatinginan kami nila Marvin at Ruben sa isa’t isa habang yung iba naman ay nakanganga pa rin sa nakita. Nagpipigil ng tawa yung iba baka lalo silang mapagalitan. Gustong mapalitan ng comedy yung tragedy. Pinipigilan lang talaga nung iba ang kanilang sarili. Gusto ko na ring matawa lalo na dun sa reaksyon nung kaklase naming skater na malaki ang mata. Sa Maki Gobilam yun. Nagpipigil din ako pero gusto ko na ding sumabog dahil gago ako. May kaklase ako na kumuha na lang ng panyo. May mga ang ulo’y iniyuko. May nakatingin sa sahig at tinitignan yung pustiso, gustong ring sumabog pero nagpipigil. May nautot pa dahil sa pagpigil sa pagtawa. May napakagat sa labi. At si bading, nakikipag-titigan pa rin kay ma’am. Ang taray ngayon ng lola mo. ang tulis ng nguso. Gusto pa atang magtaas ng kilay ng animal. Maya maya, biglang lumabas yung isa naming kaklaseng ugok dahil hindi na niya mapigilan ang pagtawa. Kunwari mag C-CR lang daw siya. “ma’am may I go out”. Takbo. Maya maya pa’y tumayo na si ma’am sa kinauupuan niya at pinulot sa gitna ng klase yung lumipad niyang pustiso na tumalbog sa mesa kanina. Pagkapulot, binunot niya yung kanyang panyo sa kanang bulsa tapos tsaka niya pinunasan yung pustiso sabay subo sa bibig na parang maxx candy lang ang puta “Ahhhmm tsup tsup!” Sabay dampot ng bag. Tapos labas.



Makaaran ang ilang saglit pag alis ni ma’am, hagalpakan lahat ang mga tarantado sa kakatawa. Kanya kanyang reaction ang mga kupal. Iniisip ko yung galit ni ma’am. Hindi ako natutuwa sa grupo nila bakla. Baka ganun din sila sa amin. Gusto ko sanang kausapin si ma’am para humingi ng dispensa. Seryoso. Pero gaya ng dati, nahihiya pa rin ako. Sa susunod na ma-late uli ako, wag niya sana ako ida-drop.