Sunday, December 26, 2010

Melan Cali: Ang Mga Bra at Panti Sa Aking Alaala

Perhaps I know best why it is man alone who laughs; he alone suffers so deeply that he had to invent laughter."

— Friedrich Nietzsche





KAHAPON, sa bahay namomroblema ako kung maliligo ba ko o hindi. Nagdadalawang isip ako. Hindi naman ako aalis. Wala akong pupuntahan. Hindi rin naman ako papasok. Isang linggong sarado ang eskwelahan. Hindi rin naman kasi ako nagdumi. Ang ibig kong sabihin e hindi naman ako lumabas ng bahay (hindi nagtae!). Buong maghapon lang akong tumanga sa kwarto habang kinakausap ang dingding at kisame. Salamat naman at hindi sila sumagot. Iba nang usapan yun.



Parang tinatamad kasi ako maligo kahapon na hindi ko malaman. Iniisip ko, parang matter of habbit na lang kaya yun. Na kahit hindi ka naman nagdumi kailangan mo pa ring maglinis. Liligo ka kahit hindi ka naman mabaho. May pagka-unreasonable nang konti. Konti lang naman. Hindi naman sa nag aala-artist ako kahapon o ano pero ayoko talagang maligo.

Pero dahil makulit ka, naligo pa rin ako. Alam kong mang-aasar ka kapag sinabi ko ditong hindi ako naligo kahapon. Bugoy! Wag kang makulit! Iba talaga ang gusto kong i-kwento dito. Tungkol yun sa mga bra at panty.



*****



E di ganon na nga, mga 5:00 ng hapon yun, nang magdesisyon akong maligo. Lumabas ako sa kwarto ko para kunin yung tuwalya kong butas butas at gula-gulanit na manipis. Ipinang-tatapis ko pa sa katawan yun tapos maligo (kahit labas ang pisngi ng pwet). Nakasampay lang yun sa may gabay ng hagdanan. Pag kuha ko nung twalya mapapa-dungaw ako sa may katabing bintana ko sa kaliwa. Mapapa-tingin ako sa labas. Lilinga linga ako sa kaliwa’t kanan.



Napatingala ako. Nakita ko, nakasampay yung mga panti’t bra ng kapitbahay kong bago sa bintana nila. Naglaba ata yung mga boarder na magaganda. Tumutulo tulo pa e. Nakahilera yung mga isinampay nilang panti’t bra sa may grills tapos nakabandera yun ng buong giliw na parang watawat ng United Nations. Iba iba pa nga yung kulay. Sa may orange na hanger andun yung kulay violet at blue na inuuga-uga pa ng malakas na hangin. Sa may pulang hanger andun yung kulay pink at white na lalambi-lambitin, tapos meron pang dalawang hanger na di ko alam ang kulay kasi color blind ako. Nakasabit dun yung iba pang mga panti at bra na tumutulo tulo pa dahil di ata gaanong napiga. Nakalaylay yung strap ng mga nang-aakit na bra. Andami dami nila. Very colorful. Meron pa ngang strife. Nasa may 4th floor yun nung building. Tinitingala ko. Andun yun sa tapat ng room nung mga babae pag nakikita ko minsan nakatambay sila sa terrace.


Para ngang ang gaganda nila e, ang dilim lang kasi kaya di ko gaano makita pag gabi. May mga naglalarong ideya sa isip ko habang tinitignan yung mga panti at bra.



****



Wag kang bastos!



Putragis kasi, pagkakita ko sa mga nakasampay na panty, may maaalala ako bigla. Dati, naglalaba din ako ng mga ganun. Ganun na ganun. Kung kanino man yun bahala ka na dun. Ngayon, naisip ko, naisip ko lang naman, ang sarap siguro isulat nito bilang isang material. Writer kasi ang drama ko ngayon sa buhay.



Binibiro ko yung sarili ko. “Isulat mo na, sayang.” Mga alaala yun e. Nire-refresh mo. Para sa akin ang gandang material nun sa pagsusulat. Yung mga alaala na minsan nakakatawa. Yung para kang tanga na tumatawa mag isa pag naalala mo yung nakaraan. Pero ang ayaw mo dun, pagkatapos mong tumawa babalik ka sa realidad, sa pagiging malungkot. Malalaman mo na nag i-ilusyon ka lang pala. Isang taon na rin pala yung lumipas. Ang bilis bilis lang. Kay dami ng mga nangyari. Kay dami na ring mga nagbago. Naalala ko dati, masiglang masigla pa akong maglaba ng mga panti at bra. Noong naalala ko yun, ang unang pumasok sa isip ko tumula. Oo, gusto kong itula (hindi i-tuga) yung mga mga masasayang araw ko dati sa paglalaba ng mga makukulay na bra at panty. Medyo komedi pero yun yun e. Noong nasa banyo na ko habang tumatae sa inidoro may mga naglalaro nang salita sa isip ko para sa gagawin kong tula. Nagsisimula na akong mag-conceptualize. Nagpipiga ako ng utak habang nagpipiga ako ng tumbong. Para akong nagdadasal na ewan habang nakatungo ako sa inidoro. Ganito sana yung una kong linya



“nakaka-isang taon na rin pala ang putang ina,

naalala ko pa rin ang kanyang mga panti at bra”.




Alam mo yung isang tulang dramatic pero erotic? Parang ganun sana yung gusto kong gawin. Kung pwede pa ngang haluan ng komedya bakit hindi? Tulang dramatic na erotic na comedic. Pwede yun di ba? Pero gaya ng inaasahan, hindi ko kinayang dugtungan yung mga susunod na linya. Parang sumama yun sa tae kong ipin-lush sa postmodern naming inidorong naka-tabingi . Nakalimutan ko lahat bigla pag tayo ko sa trono. Dapat pala isinulat ko agad habang tumatae.



****



Kaya ito ko ngayon, ikinwento ko na lang yung gusto sanang kong itula. Yun na nga, gaya ng binanggit ko kanina, dati masiglang masigla ako maglaba ng mga panty at bra. Yung para bang “kahit ilan pa yan mahal ko! Basta panty mo, sagot ko! Itambak mo lang dyan, kahit pa may ano yan, gademmit!” kahit mabagsakan pa ako ng malaking bote ng Colt 45 ok lang. Sabihin na nilang under ako’t DTNL ok lang. O.A, pero parang ganun nga yung feeling (dati). Walang lang. Parang nakakamis kasi. Ganun pala yun, pag matagal mo ng hindi nagagawa yung mga dati mong ginagawa hinahanap hanap mo din. Yung isang bagay nalalaman mo yung tunay niyang halaga kapag nawala na siya sayo. Tama nga ang kasabihan. Nagkaroon kasi ng problema dati. Mula sa pagiging ganadong ganado sa paglalaba e pagtagal tagal dumating ako sa punto ng pananawa. Oo, para kasing hindi na naging exciting noong bandang huli. Paulit ulit na e. Yung alam mo na, na ganun na naman. Predictable. Dumating pa nga yung punto na may pagtatalo ng nagaganap tungkol sa kung sino na ang dapat maglaba. Kasalanan ko naman siguro, pero hayaan na yun. Ang mahalaga e may realization. Wag ka nang maghanap ng tsismis diyan.



Yung isang bagay, sabi nung ilang psychoanalyst, kapag naging pag aari mo na, sa kalauna’y hindi na nagiging exciting. Hahanap ka na naman ng bago. Tapos ganun uli. (hindi ko sinasabing naging akin na eventually yung mga bra at panty ha! Wag kang tanga!) Ganun siguro yung nangyari. Dapat pala sakto lang. Sumobra kasi siguro. Dapat pala meron pa ring degree ng distance at secrecy kahit paano sa relasyon. Tamang closeness, tamang secrecy. Kaya kahit close kayo sa isa’t isa, open pa rin. Teke teka.. tama ba? Ang layo na nito sa mga panti at bra na namimis ko. Iba na sinasabi ko. Magulo na naman. Cut.



Next.



****



At ayun na nga. Kasamang babalik sa aking gunita ang katotohanang nakakita na ng bagong labandero ang dati kong ipinaglalaba. Yung mas masipag, mas masigla, mas matikas at mas masigasig maglaba kesa sa akin. Ipinagmamalaki niya pa yun. Putang inang yan. Isang taon na din mula ng maging bullshit ang dapat maging bullshit. May nag o-occupy na ng dati kong lugar sa kanyang labahan. Nakakalungkot. Aray. Gusto ko tuloy itanong kung kamusta na kaya siya? Ok pa kaya ang mga ipinapalaba niyang mga panti at bra? Ano kayang sabon ang ginagamit ng bago niyang labandero, Mr. Clean? Wag yun, pangit yun. Kalbo yun, ayaw ko sa mga skinhead. Mahaba ang buhok ko. Nakakasira ng labada ang brand na ang disenyo’y may kalbong mukhang maton. Lalo na sa mga panti at bra. Mahilig din mag-pokpok. At ako? Ito ko ngayon, nalulumbay at nagsosolo. Nagsosolo maglaba ng mga brief ko tuwing linggo. Nakakapanlumo lang tuwing naaalala ko. Wala ng panti. Wala ng mga bra.


Bakit ko pa kasi nakita yung mga isinampay ng kapitbahay? Naalala ko lang tuloy.. dapat hindi na lang ako naligo… dapat ipinagpatuloy ko na lang kausapin yung ding ding namin… dapat hindi na lang ako tumayo sa kama… dapat natulog na lang ako magdamag… dapat hindi na lang naglaba yung kapitbahay… dapat di na lang niya iyon isinampay sa tapat namin… putragis na yan.. para tuloy akong minulto..





Kung pwede lang uli maglaba ng mga panti at bra kahit minsan pa.. hayop ka..



Kahit pa minsan may kasama yung regla.. ipaglalaba pa rin kita…



Shit!