Sunday, August 9, 2009

isang kwentong tanga... Jul 26, '09 1:20 AM
for everyone
iniisip ko, may katangahan lang talaga ako cguro noong gabing iyon. buwan ng december yun, mga apat taon na ata ang nakaraan ng nagpasya kami mag inom sa bahay ng isang kaibigang kanasa nasa ang nanay.wag nang pag pantasyahan dahil yun ay nanay na! ng barkada pa! tumigil ka! hindi ko sasabihin dito yun. sori pare, ang ganda talaga ng nanay mo.

nagsimula ang lahat sa kantsawang mag-inom hanggang sa nagkatotoo ang biro. sakto naman, malakas ang loob kong pumayag kasi may paparating akong pera maya maya lang tsaka me kasama kaming big time na sindikato ng libro at tocino kaya kung sakaling wala akong mabunot o bigla akong mag-kuripot me handa sa aming sumagot.

dahil nga sa bahay kami ng isang barkada totoma namili muna kami sa palengke ng mga lulutuin na pulutan at kung ano ano pang kailangan namin sa kalokohan. syempre, hindi makakalimutan ang beer, ipinagpilitan ko talagang beer ang bilhin dahil sinusumpa ko ang gin at ang iba pang mga "hard". putragis na yan, diyos ko po, bubulwak na naman ang suka ko pag yun na naman ang tinira namin. me troma ang sikmura't baga ko dun. tiyak komedi na naman ang pag uwi ko sakaling malasing ako ng shit na yun. kaya nga dapat beer, "beer will save the world, i don't know how but it will"

maya maya pa nagsimula na ang barkada. nakita ng tatay nung barkada namin na mukhang kokonti lang yung nabili naming beer kaya ang sabi samin "o pag naubusan kyo jan ayun yung isa kong bote, sa inyo na yun ubusin ninyo" itinuro nya samin yung istante nila na kinalalagyan ng tres cepas. diyos ko po, hard yun. parang nabilaukan ako ng i-alok samin yun.natatakot ako, baka ipa-inom nga samin talaga. ayaw.

at umikot ng umikot ang baso. maya maya pa'y umiikot na din ang paningin ko. mga ilang sandali pa'y sisingkit na ang mata ko, nagiging kalahi ko na si mao tse tung. sa kwentuhan, nagpapanggap na kong genius, nagkukunwari na akong matalino, madami na ako sinasabi. hindi na kami pare pareho nagpa-patalo sa mga diskurso. tinatamaan na ata ako't bumibigat na ang aking ulo. bumigat na rin ang tiyan ko..gusto kong tumae pero nahihiya ako. mas nakakahilo agad ang inuman kung daldal ka ng daldal, pag malikot ang ulo mo' t tawa ka ng tawa humahalo ang alak sa likidong dumadaloy sa utak. umiikot na ung paningin ko kahit hindi naman umiikot ung mata ko. ang sarap talagang maglasing, abot pa rin ako ng abot ng baso. tusok pa rin ako ng tusok sa tokwa, sa baboy, sa kahit anong matuhog kahit yung niluwa na pala..muntik ko nang maisubo.. ay putang ina, kadiri.

sa haba ng usapan di namin namamalayan ubos na pala ang mga beer, ayaw ko na at ayaw na din ng mga kasama ko ang nag iintay na "hard," pwede ba soft naman? sumasabit sa lalamunan ang hard parang si tarzan. mabilis kami tinamaan. ayawan na at uwian na gabi na rin kasi pala. me karpyu ang ilang barkada. hindi na rin payag ang tiyan ko..natatae na din yata ako. malapit na. konti na lang.

meron lang rin akong isa pang problema, tsaka ko naalala wla na pala akong pera. saktong P7 na lang ang pera ko sa bulsa. dalawang sakay ako mula sa panggagalingan ko pauwi ng haybol namin. pumasok sa isip ko na may pumasok na rin palang pera sa atm ko kanina, december noon at nangangahulugan na christmas bonus yun. ang problema ko na ngayon ay saan may pwedeng pag widrohan?

sa stop n shop pag baba ko ng jip may BPI, susuray suray ako sa paglalakad pero pinipilit kong wag ipahalata sa mga tumitingin na lasing ako, nakakahiya. pwede ako dito kahit land bank ang card ko. sinaksak ko ang card, nagtsek ako ng balance, meron ngang laman at marami. pakiramdam ko'y ang bait sakin ng gobyerno at ni mrs arroyo pag pasko, hindi na kami exploited pag pasko? nag widro na ko ng kelangang halaga ng pera, maya maya pa'y lumabas na sa dispenser ang pera. ibinulsa ko, mabilis. lilinga linga pa ko baka may holdaper na nag-aantay sakin habang iniintay ko ang card ko na lumabas, mabagal. ang tagal. nakatungkod na ko sa harap ng aparato, tapos bigla na lang akong nagulat, hindi na lumabas ang card ko. problema, nag iinvite na ang machine ng panibagong card! ha??? sa pagsusuma ko kinain ang kard ko ng aparato. isa malutong ngunit pabulong na putang ina bigla ang nasabi ko. biyernes noon at walang bangko kinabukasan, ang ibigsabihin sa lunes ko na sakali mababawi, kung mababawi pa, ang atm ko. putang inang yan. kelangan ko ng atm ko bukas at sa linggo.

ito ang katangahan: lasing pa din ako at ayaw kong umalis sa harap ng machine dahil gusto kong makuha din yun sa gabing iyon, gusto kong sirain at pasukahin at tarantadong machine tutal lasing din nman ako at relatibong matapang ako ngayon, kumakamot na ko sa ulo. ano bang nangyari? anong atraso ng card ko? anong kelangan kong gawin para iluwa mo ang card ko?

kumalma muna ako..sandali..

malakas pa din ng tama ng beer sakin, dumukot ako sa bulsa na dukot lasing, kinuha ko ang wallet at tinignan ang laman. andun yung pera, at ang kataka taka, andun na bigla ung card! ha? gimbal ako. iwinasiwas ko ang ulo ko mga tatlong beses. naitanong ko tuloy ngayon sa sarili ko: "pano nangyari yun e buong giliw akong nakatitig sa transakyon ko sa atm?" nilapit ko sa mata ko ang card..napatanga ako, kumamot ako sa ulo, pumikit dumilat ako sa di ko mapaniwalaan. pinitik pitik ko pa si tarantado ng tatlo hanggang limang beses kung totoo nga sya o ilusyon ko lang bilang isang bangag. oo nga. totoo. napangiti ako ng bahagya..paano nangyari yun?

pag dating ko sa bahay, lasing mode pa din, di ako makatiis, tinignan ko uli sa wallet ko kung totoo nga ba ang nakita ko kanina..andun pa din si gago..hinimas himas ko..matay ko mang isipin pano napunta dun si gago? hindi talaga ako makapaniwala. pumikit dumilat ako para tiyaking hindi ako nana-naginip. lasing nga ako.

kinabukasan pag kagising ko, wla na ang tama ko, iniisip ko kung anong nangyari kinagabihan.. at ako naman 'tong si tanga kinuha na naman ang pitaka sa tabi ng kama, siniguro na hindi ako nagpapantasya..andun nga ang atm ko. totoo..ang putang ina talaga. umiling iling na lang ako. tapos kamot sa ulo.

ano nga ba ang totoong nagyari at ako'y naging pagka tanga tanga? sanamabits talaga.

pag nag widro ka pala, mas nuunang lumabas parati ang kard kesa pera.(tandaan mo yun dekki lagi, tatanga tanga ka talaga) At ako naman itong si lasing na tatanga tanga kagabi e nasa loob na pala ng pitaka ko ang card bago pa lumabas ang pera sa aparato. mabilis ko pala yung hinablot tsaka sinuksok agad sa pitaka bago pa lumabas ang pera. sanamabits gademmit!

anong nagyari..

nakakahiya talaga ang puta. buti na lang at hindi gin o hard ang ininom namin kundi buong giliw kong sinukahan ang motherfucker na atm machine na yun!

sa susunod, ano na naman kayang katangahan ang magagawa ko? sana yung mas maganda! magandang katangahan. tanga talaga.

No comments:

Post a Comment