Sunday, August 30, 2009

ang paglobo ng sipon (sa kakatawa mo, lumobo ang sipon mo!)



hindi ko na papangalanan ang taong iyon dahil alam kong matagal ng nangyari ito.estujante pa ako nun. bigla na lang kasi akong parang tanga na natatawa mag isa sa kinauupuan ko kpag naaalala ko ang mga eksena noong hapong iyon kaya nagdesisyon na akong isulat ang kwentong ito. masarap alalahanin ang mga kalokohan ng kahapon, para ka kasing nasa time machine ng maraming pagtanga para tumawa.

taong 2003 ata iyon ng umalis ang batch namin para sa isang linggong pag-aaral na ginagawa ng mga barkada tuwing magbabakasyon at sembreak. ito ung mag papaalam kmi sa nanay namin na kunwari may a-atenan kming seminar sa school ng isang linggo at kelangan namin ng pera, ito ung paghahandaan nmin ng mahabang panahon para tiyak ang aming pagsama, ito rin ung pinakaaabangan naming hardcore na pag-aaral na para bang pag natapos ka na nito ay isa ka ng bagong tao, taas noo. "handa nko makipag debate sa inyo! mga putragis kyong kontras, kahit pumila pa kyo o kaya magsabay sabay kayo di ko kyo uurungan!". ito rin ung pinaka inaabangan ng mga tangang sundalo ng estado sa amin kasi akala nila pag alis namin ng eskwela sa bundok ang aming punta. mga tanga talaga kayo gago! anong masama sa paghahangad naming magbago ang lipunan, bakit nyo kami pinipigilan? gademmit!

limang paksa ang pag-aaralan sa unang aklat at ang bawat isa dito'y kumokonsumo ng walo hanggang labindalawang oras. kaya dati inaabot ng lima hanggang pitong araw ang "seminar", putragis na motherfucker! nakakapagod tlaga ang bwakanangina. nkaka exost ng utak kasi buong araw kayong nagpipiga ng kukote sa pag intindi at paggalang sa taong nasa tapat namin kapag boring magturo ang (ilang) instruktor. nakakaantok!

noong hapong iyon sa aming ikalawang araw at ikalawang paksa nagsimula ang lahat. sa loob loob ko sabi ko: " putragis! sa wakas tapos na din ung unang paksa motherfucker!, amboring magturo ng nauna boo00oo0o000!, umuwi kana! para kang german masyado kang seryoso! ulul!" tas pasok na kmi sa ikalawang paksa. kilala ko ang magtuturo, kaibigan ko to at alam kong kwela maglektyur ang hindot na to. tatawa kmi ng tatawa dito pag ito na ang bumanat, hindi kami aantukin sa gunggong na to.bukod sa mahusay to magturo mahusay din mag bloopers to, yun ang gusto ko, di gaya nung nauna para kong gustong isabay sa karo ng patay.

nung umaga seryoso sa simula magturo si mokong. nagtaka ako, hindi naman sya ganito. bagamat andun parin ung husay nawawala naman ung pagkakwela. pagdating ng alas dose breaktime, kain muna kmi ng tanghalian. binilisan namin ang kain para resume agad ang session. 1:30 balik na sa dati. kusina sa isang bahay ng tropa sa probinsya ang ginawa naming klasrum. pito kaming estudyante na naka upo sa mga silya palibot sa bilog na mesa. nasa harap namin ang instruktor. nasa may bandang kanan niya ako. tatlo kaming lalake apat ang mga babae. nasa gitna ang bida sa ating kwento, at dahil hapon na nagkaka antukan na naman. ito na ang kalaban namin pare pareho. gustong labanan ng mga utak namin ang antok, maganda ang topic, teorya ng dialectical materialism ni karl marx ang pinapasadahan. sayang naman kung ito ay aming tutulugan.

ang problema, mga alas dos trenta o alas tres na, nkahalata na ang nagtuturo na nagiging boring ang mga eksena, nagiging boring na ang usapan. nakaramdam na sya na kailangan na nyang maging mapanlikha, na kailangan nyang buhayin ang mga namamatay naming gana sa pakikinig. nagpatimpla ako ng kape para kmi magising gising. syempre hindi nescafe kasi bino-boycott namin un. kontra manggagawa un. pinatay nun si ka fort at marami pang ibang manggagawa.

maya maya pa sinundot na niya ng mga pagpapatawa ang mga halimbawa nya sa pagpapaliwanag. nag iba na ang aura ng usapan. na kesyo ung mga ilang kontras na baluktot ang linya ay ganito at ganun daw, nalait lait nya ang mga YND at SANLAKAS na mga matherfuckers!. tawa naman kami. tawa ako ng tawa. mayroon naman nagtanong na paano na daw yung mga mtv sa "panahon ng tagumpay ano na daw ang itsura nun?" sumagot sya sa pabirong paraan, ung mga hukbo na daw ang nasa mtv nun at sila na ung kumakanta ng mga rebsong sa saliw ng mga boyband na tugtog tpos may koryograpi pa sila. ini-imagine ko tuloy ung mga hukbo pag naging boyband ano kaya itsura nun? mala backstreet boys o n'sync hukbo? ampangit! maya maya pa ung facial expression na nung nagtuturo ang nakakatawa kahit hindi na nakakatawa ang kanyang mga joke. ngisi pa lang niya joke na. ngising aso, dun talaga ako natatawa sa kanya, primarya un, sekondarya ung mga sinasabi nya.

naalala ko me kasama kming babae na kanina pa sisinghap singhap, sisinghot singhot ng kanyang malagkit at makapal na sipon. mahina lang naman pero naririnig at nakikita ko tuwing napapalingon ako sa kanya. isa sya sa pinaka mababaw ang kaligayahan kaya isa rin ito sa pinakamalakas tumawa. iniisip ko, parang onse ang uhog nito kapag nakalimutan nitong suminghot. tutulo ito malapit na sa nguso tapos sisinghutin pabalik sa loob ng ilong. putang inang' to ang babuy ayaw isinga.

tumigil ng konti ang tawanan. balik kami sa katahimikan. mala seryoso na naman ang usapan.

ito namang si bida na mababaw ang kaligayahan hindi pa rin makalimutan ang kanina pa namin pinagtawanan. tawa pa rin ng tawa si tanga mag isa. ayaw paawat. hayaan lang cge. tuloy ang usapan. maya maya pa, meron pa palang isang reserbang patawa ung nagtuturo sa amin. di namin un inaasahan. biglang tawa kming lahat ng buong giliw na naman.bumaluktot kmi sa sakit ng tyan kakatawa. at itong c tanga na knina pa tawa ng tawa lalong nadagdagan ang pagtawa hanggang sa hindi na sya makahinga. hirap na huminga si ulul dahil sa kanyang sipon sa ilong. pagbanat nitong nagtuturo samin ng isang malupit na punchline hindi na napigilan ni loka na may sipon ang kanyang sarili, biglang lumobo ang sipon ni gago mula sa kanyang ilong ng pagkalaki laki, parang nagpa lobo ng bazooka chewing gum! oo00ooink! un nga lang sipon ang gamit tapos galing pa sa ilong! natigilan kaming lahat. napatingin kami lahat sa kanya ng nakanganga. mas lalo kming nagtawa sa nakita. kitang kita namin paano eksaktong lumobo ang kanyang malupit at mabagsik na putang inang sipon sa ilong nya at kung paano din ito pumutok sa sanamabits nyang mukha. yun ang mabalasik na rebolusyonaryong sipon ng isang kasamang hardcore suminga! palobo talaga men! sanamabits! gademmit! ngayon lang ako nakakita nun sa tanan ng buong buhay ko! ang sakit ng tyan ko sa putragis na yan, hingal nako sa pagtawa, hagalpak kasi kami lahat sa putragis na sipong yun at itong si tanga tawa pa din ng tawa. bugoy talaga! i can't find the right lines to castigate the bullshit of that sneezing motherfucker!

tawa ng tawa ung instruktor naming nakakatawa din ang mukha, inaasar pa si tanga. hindi ko na makakalimitan un. kitang kita ko kung paano talaga lumobo at sumabog ung malagkit at mabalasik nyang rebolusyonaryong sipon sa nanlilimahid nyang muka. bumulwak talaga ang puta! shit! sanamabits gademmit!

kinagabihan, tulugan na. hiwalay ang mga babae sa lalake. share kmi sa iisang kumot ng dalawa kong kasamang lalake. malaki ang kumot at kasya kaming tatlo. biruan muna, takutan sa multo dahil madilim. di ko sinabi sa kanila bigla akong umutot sa loob ng kumot. too0oo000t! ung silent but violent, ung mainit na tahimik na utot na parang wet ng konti pero hindi tapos mabalasik ang amoy na kumakapit hanggang sa lalamunan. nag-kakatakutan na sa dilim patay na kasi ang ilaw, di nila alam nagkaka-ututan na din sa loob ng kumot, sabi ko: "mga kasama pasok sa kumot!" mabilis na pumasok naman ang mga tanga!

ayun. na-sopokeyt ang mga bugoy! mga bugoy talaga.

whew!

mabuhay ang mga bugoy!

ang hirap mag barbero!


paalala: inimbento ko lang ang iba dito.


salamat sa pagbasa mo.


No comments:

Post a Comment